Wednesday, February 8, 2023

Sitsit


MGA BULONG SA HANGIN NA NARIRINIG,

MGA SITSIT SA TABI NA PILIT DI PANSININ.

TÁKOT SA DIBDIB AY SIYANG NANANAIG,

ANO BA ANG NAIS NITONG IPAHIWATIG?


LUMABAS PARA ITO AY HANAPIN.

ANG BOSES NA DALA NG IHIP NG HANGIN.

SA MALAYO ANG MGA MATA'Y NAKATINGIN.

ANINO LANG SA TANGING ANINAG NATIN.


PAANYAYA NG BUMULONG MULA SA MALAYO,

DAPAT BANG SUMUNOD O PILIING LUMAYO?

KUNG ANG PANGAKO NAMAN NITO AY PARAISO,

BAKIT ANG PAYO, WAG PANSININ ANG PAGSUYO? 

No comments: