Isinulat ni
Bill Patrick
M. Familara
Pagmasdan mo
ang kapaligiran
Parang wala
nang patutunguhan
Sa ating mga
mamamayan
Kalinisa’y
tila ba kay hirap nang makamtan
Pagmasdan mo
ang kapaligiran
Tila ba’y walang kabuhay-buhay
Walang ibang
kulay na nagbibigay buhay
Sa paligid
na nasasakluban ng lumbay
Maruming tubig
na dumadaloy sa mga ilog
Mga basura
na bumabalot sa mga dalampasigan
Usok na
umiihip sa kapaligiran
Mga latak na
pamana ng kasalukuyan
Huni ng mga
ibon sa himpapawid
Ngayon ay tila
nabaon, sa makat’wid
Sa hukay na
ginawa ng kahapon
Tila bang kay
hirap nang maiahon
Halimuyak ng
mga Halaman
Nag-gagandahang
Paru-paro
Bakit
ngayo'y tila naglalaho
Ala-ala nga
lamang ba ito ng kahapon?
Kalikasa’y
pahalagahan
Mahalin at
alagaan
Nang sa mga
salin-lahi
Kalikasa’y
manatili
No comments:
Post a Comment