by Ruth
Sino nga ba o ano ba ang rason kung nagkakahiwalay ang mga magsing-irog? May mga kaso ba na hindi na talaga kayang malutas? Baka naman pwede pang mapag-usapan. Kaso sabi ng iba, kapag sobra na, hindi na dapat pinalalampas. Dapat matapos na daw ang dapat matapos. Pero paano kung may mga bagay na dapat munang mabigyan ng eksplenasyon? Makikinig ka pa ba at bibigyan isa pa ng panibagong chance, o ibibigay mo na ang salitang “BAHALA KA SA BUHAY MO! PAGOD NA KO”.
Top Five Reasons bakit sila nagkakahiwalay.
5. Isip bata siya eh…
Madalas naman sa isang relasyon hindi pwedeng mawalan ng BABY BUBOT. Siyempre, ang kadalasang nagpapa-baby ay ang mga babae. Pero acceptable yan. Ang babae kasi inaalagaan at hindi pinababayaan. Kahit na nga madalas na mas matanda ang babae kaysa sa lalaki makikita pa rin natin na pa-baby effect si girl. But, However, Nevertheless, kung si boy naman ang nagpapa-baby, ay naku po. Ibang usapan na yan. Okay lang naman na maging isip bata minsan. Gets niyo un? “MINSAN”… at hindi MADALAS… pero kung pareho kayong bata pa at sa malamang mga isip niyo talaga ay bata, hindi magwo-work iyan. Only 4 out 10 lovers ang tumatagal. Baka nga hindi pa apat. Kadugtong pa niyan, kapag may isang pa-baby sa relasyon, sa malamang mayroong SPOILED BRAT.. (charoz) spoiled lang. Yan ang ayaw natin sa isang relasyon. Dapat alam ng bawat isa ang limitasyon. Hindi porke’t kayang ibigay ay lagi na lang ibibigay. Hindi siya isang 1year old na dapat ay ibibigay lahat. Malaki na siya, at kaya na niyang maglakad at subuan ang sarili niya kahit nakapikit pa. Ano ba kasi ang dapat na maging behavior? ANSWER: BE SUPPORTIVE (para sa mature) AND RESPONSIBLE ENOUGH (para sa mga pa-baby).
GROW UP!!! Hindi ka si Bonjing.
4. Ang LABO (miscommunication)
Ang labu-labuan effect nasa kalagitnaan yan ng relasyon (depende yan kung gaano kabilis para makarating sa KALAGITNAAN). Imposibleng sa unang kabanata ng relasyon yan. BAKIT? Kasi diba kapag bago palang mag BFGF mga nagboblahan pa. Nandiyan ang sweetness. Kurutan, yakapan, halik na parang nagtutukaan. Pareho kayong nag-a-agree sa isa’t isa. On the contrary, on the otherhand, dahil sa kaka-agree hindi na pala namamalayan na hindi pala feel ng isa sa inyo ang idea. Oo lang ng oo para hindi masaktan ang PRIDE o EGO yet deep inside, hindi pala talaga siya agree (ano un naaawa?)
Meron naman isang case ng Malabo ay iyong tipong napaguspan na pala at pareho kayong nag oo, but then the last minute nagbabago ang isip. Meron pang isa, Malabo siya kasi pinag-iisipan ka ng iba. May bahid ng selos. Madalas pagbibintangan ka dahil lang sa mga kwento o kaya naman sa maling nakita. (MALISYOSO!!!) Sa mga ganitong tipo ng relasyon, usong uso dito yung may komprontasyon na mangyayari pero hindi naman maniniwala. So saan sila hahantong? Edi sa hiwalayan. Ito naman ang mga taong walang isang salita. Sila yung hindi nagtitiwala. May history kung bakit sila ganyan. Pwedeng madalas sila naloloko at nadala. Pwede rin naman na maingat (sumobra nga lang) ang tingin tuloy parang walang trust kay partner. Ang pagkakaroon ng miscommunication ay madalas na nangyayari yan sa mga magsing irog. (so what more sa LDR o Long distance relationship) TUUUMUUUH!!! Mas mahirap ang kalagayan niyo kung malayo kayo sa isa’t isa tapos may misundertandings pa at miscommunication. Kung sakaling mag-a-away kayo pwede na isa inyo ibaba ang telepono o kaya naman patayan ka ng computer at saka na lang kayo magusap. (OUCHNESS ITEY..)
Payo lamang po. If you are getting into a relationship, don’t be afraid to let your voice be heard. If you don’t agree then say it out loud but in a nice way. (wag yung pabulyaw!!!) You know him/her well than we do. Kung iintindihin niyo ang sasabihin ng isa’t isa edi walang LABO LABO. Sabi nga walang problema ang hindi naso-solusyunan ng maayos na usapan. Alam naman natin ang ibig sabihin ng OPEN MINDED hindi po ba? Mas maigi pa na pahupain ang init ng away muna bago may mga salitang lumabas na hindi naman dapat.
3. Jelling jelling… (Jealous)
Matakot ka kapag ang BFGF mo hindi nagseselos (meaning hindi ka mahal). Pero matakot ka kung sobrang selos naman (nakakamatay yan). Ayos lang naman ang magselos kasi nagmamahal. Huwag nga lang yung sobra. Sabi nga nila, mahirap kaaway ang taong nagseselos. Kahit ano gagawin mabuking ka lang. Nandiyan yung kapag hindi makuha sa isang usapan, dadaanin ka pa sa bonggang sundan. Susundan ka kahit saan ka pa makarating. Kung mayaman pa yan magha-hire yan ng private detective.
Mayroong selos na hindi halata, meron naman na mild jealous Lang, at meron din naman major major jealous. Possessive ang tawag dun. Kahit kanino pwedeng mangyari. Sabi nila masama daw na magselos ang mga lalaki? Pero… mas masama daw magselos ang mga babae. Once na nagselos sila, they tend to be so unpredictable. Meron naman nagseselos kasi takot sa multong ginagawa (meaning sila ang may ginagawang HOKUSPOKUS).
Meron din naman na kapag nasanay na dalawa lang kayo, then all of the sudden may mababago. Yun bang tipong may bago kang mundo kaya less na ang time ninyo together. Ang mahirap pa niyan may pagkaisip bata si Partner na hindi mo mapaliwanagan na hindi lang sa kanya pwede umikot ang mundo mo.
Heto naman ang mas madalas mangyari. Konting kibot selos. Nakita ka lang na may kausap, magseselos. Nakita ka lang na nagtetext at kasama naman siya, titingin sa cellphone biglang magtatanong at mananahimik tapos biglang magseselos. Mapalingon ka lang magseselos. May family gathering ka na dadaluhan magseselos. Ultimo ba naman pamilya pagseselosan? (nangyayari yan). Hindi pwedeng ganyan teh. Nasaan ang tiwala? Nawawala?
Ayos lang na magselos basta nasa lugar. Wala naman nagbabawal eh. Kaya nga may salitang SELOS dahil ginawa din yan ng Diyos kaakibat ng emosyon natin. Ang selos ay hindi pinalalaki at pinaabot pa sa hiwalayan. Kung maari naman na mapag usapan bakit hindi? Kelangan lang maging OPEN MINDED. REMINDER po sa mga lover ng mga nagseselos alam na nga ninyo na nagseselos sila bakit hindi niyo pa lubayan yung mga bisyo niyo kung meron man. At kung sa tingin niyo na nagseselos sila sa mga pinag gagawa niyo, bakit hindi niyo tigilan kung pwede naman tigilan. Tao lang din naman sila at nasasaktan. Kung talagang mahal niyo at mahalaga sila, be understanding. Kailangan timbangin natin ang mga bagay na tolerable at hindi. Alam naman natin sa mga sarili natin kung tama o hindi ang mga pinag gagawa natin. Kaya nga may sari-sarili tayong mga pag-iisip ay para gamitin. At isa pa, ang mga bagay bagay sa mundo lahat ay nakadepende sa sitwasyon.
Para naman po sa mga taong seloso o selosa ng ubod po dyaan, hindi po dahil natural na sa relasyon ang selos, ito na po ang lagi nating paiiralin. Hindi healthy sa isang relasyon kung puno ito ng pagdududa. Ito lang naman po ang formula nyan eeh. RESPECT+ TRUST= LOVE. Kung mayroon pa kayong formula on how to make your relationship stronger why don’t you apply to solve problems. Hindi po nagiging successful ang isang relasyon kung immaturity po ang paiiralin natin.
2. Fall out of love…
Kahit pa gaano katagal ang relasyon, darating at darating din ang katapusan kahit na ilang taon niyo pa sinabing mahal na mahal niyo ang isa’t isa at walang makakapag hiwalay sa inyo (pwedeng bolahan o seryoso). Madami din na reason kung bakit nagpo-fall out ang isang tao sa isang relasyon. Pwedeng dahil, may nakita na siyang iba unexpectedly (ouch yun). O kaya naman, dahil sa napagod na siya kaya sumuko na.
Kung in denial ka pwede mong sabihin na nagpapahinga lang (cool off bansag nga nila). Maraming rason kung bakit nangyayari yan. Ang mahirap, nafall out ka na nga, pero patuloy pa rin ang relasyon. Mahirap lokohin ang sarili. Lalo na ang puso mo. Kung pipilitin mo, masasaktan ka lang at masasakal. Hindi pwedeng one sided love ang relasyon. Dapat pareho kayong nagmamahalan. If you think that you are falling out of love, why not take a break. Cool off. Consider it. It could be painful, but if heals what is broken then why not? Wag ka lang sana while you are in “cool off” stage eh saka ka naman ma fall in love sa iba. Unfair yun. Pero siyempre, life is very unpredictable anything could happen. Pag sinabi nating cool off unang papasok sa isipan nating lahat na wala munang communication sa isa’t isa, pahinga muna at walang pressure. Ang cool off it takes time before the couple get back together.
Ngunit sabi nga natin na ang buhay ng tao ay masyadong mahiwaga. Hindi natin alam kung ano ibibigay sa atin na pagsubok. Just be fair enough if ever na mawala na ang feelings mo sa isang tao.
1. Not meant to be…
Kung hindi kayo… edi hindi kayo… yun lang yun.. wag na natin pahabain pa ang usapan… hindi ka para sa kanya. Hindi din siya para sayo. Move on… move on… wag na bitter. Wala nang gantihan, remember the golden saying… karma… if you want karma, go for the good one. Bawat isa sa atin ay may mga taong nakalaan. Yung tama lang.
Ang mga relasyon na “not meant to be”, that is always makes you stronger. Makes you a good fighter. Also makes you a good follower (ni God). In addition to that, the “not meant to be” relationships are meant to happen. Huhubugin ka (pati pag iisip mo).
Tanong lang ahh, do you honestly believe na age doesn’t matter when you fall in love? Sagot ko diyan, it does. It really does and I call it age of maturity. You just have to stay positive. Good vibes. Marami pa diyan.. hindi lang siya nag-iisa. Sabi nga nila, if one door closed, just wait, because another door will open for you (pumasok ka kagad). Once you’ve moved on, baka hindi mo namamalayan friends pa kayo ni “not meant to be”. Remember yung song ni REGINE VELASQUEZ? Tinawag pa niyang friend ung nanakit sa kanya. That is life…
God has planned everything before we even think about it. All we have to do is to make the most out of everything in this life. Don’t complicate things if we can make it simple.
So, there you have it, the top five reasons… basta stay positive… remember the GOOD KARMA…
NOTE TO AVOID ALL THESE, make sure fix everything up before you both go to bed. Wag na niyo paabutin pa kinabukasan ang bagay na maayos naman ngayon. When you guys talk about problems, talk maturely, open minded and be calm. Believe me... it works... kung ayaw ninyo kantahin ang kantang "Mad At You ni Ne Yo"
No comments:
Post a Comment