Bill Patrick Musca-Familara
Jan.23,2008
Introduksyon:
Si Ch’in Shih-huang-ti o Qin
Shihuangdi ay ang unang Imperador ng Dinastiyang Chin sa China. Kahit
ang Imperyo ay lumakas ng ilang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Chin
Shih-huang-ti ay marami sa mga aspekto ng kanyang systema ng pamahalaan
ay nakaranas ng pag subok sa mahigit na 2000 na taon. Kilala si Ch’in Shih-huang-ti sa panununog ng daandaang libro, sa kagustuhan niyang sakanya mag umpisa ang kasaysayan ng China.
Katawan:
Si Chin Shih-huang-ti ay ipinanganak sa hilagang China. Sa
idand na labing 13 ay napamunuan niya ang estado ng Chin at nakuha ng
titulong Haring Zheng. Sa taong itinalaga siya sa trono ay tinatawag ang
Chin na isa sa mga malakas at makapangyarihang estado sa dynastiyang
Chou. Nang bumagsak ang Imperyong Chou ay agad pumalit ang Chin bilang
isang bagong Imperyo. Agad niyang ipinatupad ang mahigpit na batas at
pwersa ng militar at isinapi ang relihiyon ng Legalismo sa pamahalaan.
Pag katapos ng pag giging Imperyo, Iprenoklama niya ang sarili bilang
unang Emperador ng dynastiyang Chin. Pinalitan niya ang dating uri ng
pamahalaan na Feudal at nag talaga ng 36 na probinsiya at tig iisang
tagapamahala nito. Nag talaga ri siya ng parehong timbang sat sukat at
ng parehong uri ng pagsulat upang mapadali ang kalakalan at
kumunikasyon.
Ipinasunog
niya ang daandaang libro ni Confucius dahil gusto niyang sa kanya
magsimula ang kasaysayan. Ipinatay din niya ang libo libong Iskolar. Nag
pagawa siya ng mga daan at tulay para mapadali ang transportasiyon at
kumunikasyon ng bawat probinsiya. Dahil sa Banta ng mga barbarong Mongol
ay nag pagawa siya ng isang mahabang pader na binuwisan ng buhay ng
milyongmilyong tao na tinawag na The Great Wall Of China.
Konklusiyon at rekomendasiyon:
Natuklasan ko na masiyadong marahas si Ch’in Shih-huang-ti at makasarili.
Hindi
niya inisip ang kapakana ng iba bagkus inuna niya pa ang sarililing
kapakanan. Nag talaga rin say ang buwis na mataas na dahilan upang mas
lalong mag hirap ang mga magsasaka at mapilitang magpaalipin sa mga
mayayaman.
Marahil kung inisip niya ang kapakanan ng marami kaysa yung sa kanya siguro mas umunlad ang kanyang Imperyo.
Mga source/ Reference:
TravelChinaGuide.com; Emperor Qin Shi Huang –
First Emperor of China;http://www.travelchinaguide.com/attraction/shaanxi/xian/terra_cotta_a rmy/qi n_shihuang_1.htm
Wkikipedia:;
http://en.wikipedia.org/wiki/Civil_engineering
No comments:
Post a Comment