The Meat-Grinder Architecture

Paalaala sa mga Mambabasa

Ang kuwentong ito ay tumatalakay sa matinding pagod, kawalan ng tulog, academic pressure, public humiliation, toxic mentorship, at psychological distress.

Kung may bahagi ng kuwentong ito na malapit sa iyong nararanasan, huminto muna, huminga, at lumapit sa taong pinagkakatiwalaan o sa isang professional kung kinakailangan.

Hindi kahinaan ang magpahinga.

Hindi kabawasan sa talento ang humingi ng tulong.

Magpatuloy lamang kung handa ka sa ganitong uri ng kuwento.




Gaano katagal mo kayang tawaging pangarap ang isang lugar na unti-unti kang winawasak?


Alam mo naman how toxic the studio gets sa madaling araw, diba?

Parang tumitigil ’yung oras.

Hindi siya tahimik. Hindi rin siya maingay. Basta mabigat. ’Yung klase ng bigat na parang pati concrete walls, pinagpapawisan ng stress nating lahat for the past five years. Amoy kape, rugby, lumang papel, pawis, at panic. Lahat kami nandoon, nakayuko sa kanya-kanyang table, pretending na normal lang na hindi matulog for days para lang matawag na “matibay.”

Normal daw ’yon sa architecture.

At least, iyon ang lagi nilang sinasabi.

I was on my 84th hour na gising. Legit. Eighty-four hours of zero sleep. Puro 3-in-1 coffee, yosi ng blockmates kahit hindi naman ako nagyoyosi, energy drink na lasang gamot, and the blinding glare of my Mac. Akala ko I was holding up well. Like, kaya pa. Sanay na. Fifth year na kami. Dapat immune ka na sa puyat by then.

Until Tuesday happened.

You remember Sir Vasquez.

Hindi naman ’yan sumisigaw eh. That’s the worst part. Hindi siya ’yung prof na nagwawala, naghahampas ng table, or nagmumura para may drama. He just looks at you like you’re wasting oxygen inside his studio. Like your existence is an interruption.

I stood there in front of him, barely holding it together, presenting the scale model I worked on for three weeks habang nagna-night shift sa 7-Eleven. Tatlong linggo kong binuo ’yon between classes, shifts, plates, and short naps sa jeep. May mga gabi na hindi ko na alam kung nasa studio ako or nasa convenience store, kasi pareho na silang fluorescent, pareho na silang malamig, pareho na silang walang pakialam kung pagod ka na.

Sir Vasquez didn’t even critique properly.

He just sighed.

Looked at his phone.

Then casually pressed his pen against the main balsa wood support.

Krak.

Ang liit ng tunog.

Pero parang may nabali sa loob ko.

“Mali ang load-bearing computation,” he muttered, like it was nothing.

Then he swept the entire model off my desk and into the trash bin.

“Start over,” he said. “You’re just taking up space.”

No one moved.

Not one of my blockmates looked at me directly. Alam mo ’yung silence na mas masakit pa sa tawa? ’Yung lahat sila nakatingin sa plates nila, sa laptops nila, sa rulers nila, pretending na walang nangyari kasi takot silang sila ang sunod.

May poster pa sa likod ni Sir Vasquez, nakadikit sa cracked corkboard.

EXCELLENCE DEMANDS SACRIFICE.

I stared at it while my model lay broken inside the trash.

It wasn’t even anger, bro.

It was pure indifference.

Standard procedure lang sa kanya na sirain ’yung buhay ko in front of everyone. Parang part siya ng syllabus. Plate submission. Critique. Public humiliation. Repeat until graduation or disappearance.

Hindi ako umiyak.

Hindi rin ako nagalit.

I just felt hollow.

Parang may dumukot sa laman-loob ko and replaced it with iced water.

I went back to my drafting table next to Leo.

Dude, Leo looked worse than me.

Nanginginig ’yung kamay niya. Hindi na niya mahawakan nang diretso ’yung T-square. Kanina pa siya nakatitig sa tracing paper niya, pero wala siyang dinodrawing. May red mark sa corner ng plate niya: REVISE EVERYTHING. Underlined three times.

Sa tabi ng laptop niya, bukas ang phone niya sa message ng nanay niya.

Kumain ka na anak? Proud kami sayo.

Hindi niya sinasagot.

Nakatitig lang siya sa aircon vent sa ceiling.

“Do you hear that, Aris?” he whispered.

I tried to listen.

Usually, it was just the low hum of the AC. ’Yung tunog na background lang sa puyat. Pero at that exact moment—sa pinakamalalim na oras ng madaling araw—the sound shifted.

Hindi na siya makina.

It sounded like people crying together.

No.

Hindi people.

Parang isang nanay na iniiyakan ’yung mga patay niyang anak.

“Humingihinga ’yung building,” I told him.

And sa utak ko, it made perfect sense.

Nagpuputol-putol na ang paningin ko, parang delayed lahat ng galaw ng mundo. Tumingin ako sa drafting paper ko, and the straight lines of my floor plan started to move. At first, akala ko nanginginig lang kamay ko.

But the grid lines lifted from the paper.

Isa-isa.

Pataas.

Paikot.

Hanggang naging cage sila around my desk.

I blinked.

Nawala.

I blinked again.

Nandoon ulit.

Every blink, I saw Sir Vasquez’s eyes for a split second. Flat. Bored. Empty. Parang dalawang butas na lumulunok sa buong room.

I looked around the 24/7 studio.

There were around thirty of us there.

Some were passed out on their lightboxes, mouths open, drooling on butter paper. ’Yung iba tahimik na umiiyak while doing their renders, pretending na sipon lang. May isa sa far corner na paulit-ulit binubura ang same line kahit butas na ’yung paper. May dalawang seniors sa kabilang table laughing too loudly, ’yung tawang wala nang laman, kasi sabi nila normal lang daw ito.

Normal lang daw ang hindi matulog.

Normal lang daw ang masuka sa CR tapos bumalik sa plate.

Normal lang daw ang manginig habang nagpe-present.

“Training ’yan,” sabi lagi ng faculty.

“Ganyan talaga sa field.”

“Kung dito pa lang bibigay ka na, paano ka sa firm?”

That’s when it hit me.

Hindi siya metaphor.

Hindi siya drama.

Sa sobrang puyat ko, hindi na siya theory.

Fact na siya.

San Severino State U wasn’t a school.

It was a machine.

A meat-grinder.

And kami ’yung panggatong.

I leaned closer to Leo.

“They’re never gonna let us leave,” I whispered. “Kahit maka-graduate tayo, the machine will just dump us into a bigger machine. Corporate slave life. Sa firms. Sa sites. Sa deadlines na walang katapusan. Walang tigil ang paggiling.”

Leo nodded slowly.

His eyes were wide and dilated.

“Look at them, man,” he said, pointing at our blockmates. “Nabubulok na sila.”

I followed his finger.

And for one second, I didn’t see my friends anymore.

Nakita ko silang parang basag na makina. Pain wrapped in human skin. Their shoulders were gears. Their spines were cables. Their fingers were tiny mechanical parts, clicking on mice, dragging rulers, tapping keyboards, cutting boards, printing sheets, deleting mistakes.

Starting over.

Starting over.

Starting over.

Every sigh was steam.

Every sob was metal.

Every mouse click was another tooth biting down.

Lahat kami pagod.

Hindi normal na pagod.

Hindi ’yung kayang ayusin ng tulog.

This was something deeper. Something rotten. Something the school planted in us during first year and watered with shame until it grew teeth.

“Someone has to pull the plug,” I heard myself say.

But it didn’t feel like I said it.

It felt like the building used my mouth.

A huge wave of pity passed through me. Hindi galit. Hindi revenge. Just mercy.

Pure, cold mercy.

If we didn’t stop it, this place would keep taking pieces of them.

They would submit another plate.

And another.

And another.

They would graduate into another studio, another firm, another deadline, another fluorescent room where someone older and emptier would tell them they were taking up space.

They would never rest.

Hindi na sila makakatulog.

Lumingon ako kay Leo.

He looked back at me.

We didn’t have to say anything else.

May dumaan sa mga mata niya—a shared, complete understanding. Parang sabay kaming bumagsak sa iisang bangin and, for the first time, hindi na kami natatakot sa ilalim.

Alam niya kung ano ang iniisip ko.

And I knew exactly what he was about to do.

Then the aircon whispered.

Not hummed.

Whispered.

Aris.

I froze.

Leo didn’t hear it. Or maybe he did, kasi bigla siyang napatingin sa akin, eyes wide, pupils blown open like two black holes.

Aris.

The voice was soft.

Almost kind.

Parang professor na finally proud sa ginawa mo.

Parang nanay na tinatawag ka pauwi.

Parang ikaw, kapag sobrang pagod mo na at hindi mo na alam kung buhay ka pa ba or gumagalaw na lang out of habit.

“Did you say something?” Leo asked.

I shook my head.

Pero hindi ako sure.

The voice came again.

Kunin mo.

My throat went dry.

“What?”

Leo blinked. “Bro?”

Kunin mo.

Hindi nanggaling sa kanya.

Hindi nanggaling sa aircon.

Hindi rin sa ceiling.

Nanggaling sa walls.

Sa drafting tables.

Sa basurahan.

Sa sirang model ko.

Sa poster sa likod ni Sir Vasquez.

EXCELLENCE DEMANDS SACRIFICE.

The words on the poster trembled.

For one second, hindi na siya printed letters.

They were teeth.

“Kunin ang ano?” I whispered.

The whole studio seemed to breathe in.

Then, very softly:

Ang makakapagpahinga sa kanila.

I stood up.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko matandaan na nagdesisyon akong tumayo. Basta one moment, nakaupo ako beside Leo, staring at the broken pieces of my life. Next moment, nasa hallway na ako.

Walang transition.

Walang memory.

Basta malamig ang tiles sa ilalim ng sapatos ko, nanginginig ang fluorescent lights sa taas, at may boses sa loob ng tenga ko na hindi tunog tao.

Hindi siya sumigaw.

Hindi rin siya nagmakaawa.

Malambot lang siya.

Pagod na pagod.

Kunin mo na.

“Hindi,” bulong ko.

Pero gumalaw ang paa ko.

Hindi ako ang naglakad.

Hindi ako ang bumaba.

Hindi ako ang lumabas.

Hindi ako ang bumalik.

Ang alam ko lang, habang papalapit ako ulit sa studio, lalong lumilinaw ang boses. Hindi na siya nanggagaling sa aircon. Hindi na sa walls. Hindi na sa sahig.

Nanggagaling siya sa dibdib ko.

Maawa ka sa kanila.

Nang buksan ko ang pinto ng studio, walang tumingin.

Still.

Thirty bodies bent over thirty unfinished futures.

Click ng mouse.

Gasgas ng cutter.

Higop ng kape.

Pigil na hikbi.

At sa gitna ng lahat, si Sir Vasquez, nakaupo sa harap, bored pa rin, parang walang nasirang tao five minutes ago.

Tumingin siya sa akin.

“Bakit ka bumalik?”

May sinabi akong sagot.

Hindi ko narinig.

May itinaas ang kamay ko.

Hindi ko inutusan.

May unang putok.

At doon naputol ang mundo.

Hindi ko maalala ang sunod-sunod.

Fragments lang.

Isang basong nahulog.

Isang monitor na nag-flash ng blue screen.

May sumigaw ng pangalan ko.

May tumakbo.

May nadapa.

May poster sa wall na napunit sa gitna.

EXCELLENCE DEMANDS—

Hindi ko na nabasa ang kasunod.

Ang boses, hindi tumigil.

Isa pa.

“Please,” sabi ko, pero hindi ko alam kung kanino.

Isa pa.

Hindi ko naramdaman ang bigat ng kamay ko.

Hindi ko naramdaman ang ingay.

Hindi ko naramdaman ang sarili ko.

Parang nasa likod ako ng sarili kong mata, nakasilip lang habang may ibang gumagamit ng katawan ko. Gusto kong huminto. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin sa kanila na tumakbo sila, na hindi ako ’to, na may kung anong nasa loob ng building na humawak sa akin.

Pero ang lumabas lang sa bibig ko ay iyak.

Then silence.

Bigla.

Total.

Parang pinatay ang buong mundo.

Nandoon ako sa gitna ng studio, nakatayo, hawak ang isang bagay na hindi ko naintindihan kung paano napunta sa kamay ko.

Mabigat.

Mainit.

Totoo.

At lahat sila—

Hindi.

Hindi ko muna kayang tingnan.

Nabitiwan ko iyon.

Tumama sa sahig.

Doon lang ako bumalik.

Doon lang ako nakahinga.

Doon lang nagsimula ang takot.

“Hindi,” sabi ko.

Mahina lang.

Parang bata.

“Hindi. Hindi. Hindi.”

Umatras ako, pero nadulas ako sa kung anong nasa sahig. Napaupo ako. Nanginginig na ulit ang kamay ko. Mas malala ngayon. Buong katawan ko na. Parang may nagbalik sa akin sa laman ko all at once, and the weight of everything came with it.

Sa kabilang table, bukas pa rin ang phone ni Leo.

Nag-light up ang screen.

Message from his mother.

Kumain ka na anak? Proud kami sayo.

Tumingin ako sa paligid.

Sa mga drafting table.

Sa mga plates.

Sa unfinished models.

Sa sirang balsa wood.

Sa basurahan kung saan nagsimula ang lahat.

At sa unang pagkakataon that night, naiintindihan ko na.

Hindi ako ang nagpatay sa machine.

Ako ang ginamit nito.

Ako ang naging kamay.

Ako ang naging proof na kapag ginigiling mo ang tao nang sapat na tagal, hindi siya lalabas na mas matibay.

Lalabas siyang basag.

The studio lights flickered once.

Then the aircon whispered, very softly, like it was smiling.

Good.

And I screamed.para tuluyan nang patayin ang mga ilaw.

No comments:

FB IG
Top