Tuesday, October 27, 2020

Biyaheng SALIS


Aarangkada na ang biyaheng ito

Sasakyan mo lang at ika’y matututo

Makapagsimula ng bagong pangarap

Na hinihintay ng lahat para sa hinaharap


Pagsikat na kasing liwanag ng langit

Basta’t tulong-tulong lahat makakamit

Mula sa maliliit na mga butil 

Ngayo’y puno ng hindi pasisiil


Refrain:

Kahit lakbayin ang puno’t dulo

Si manong drayber di na hihinto


Chorus:

Biyaheng SALIS inyo ng sakyan 

Dito magkakaroon magandang kinabukasan

‘Wag nang hintaying ito’y umalis

Parahin na sapagkat ito’y mabilis


Kung dati rati walang pumapansin

Ngayo’y kumikinang na parang bitwin

Bawat pagsubok ating harapin 

At ito ang Biyaheng SALIS

Sa bawat oras ng pagikot ng mundo

Dumaragdag ang mga numero uno

Mga pasahero na kay talentado

Kahit sino man walang makatatalo


Pangarap na kasing taas ng langit

Liwanag na kasing ningning ng bitwin

Jeep namin na malayo na ang nararating

Ang himig namin ay inyong dinggin

Refrain and Chorus


Rap:

Sabi nga nila ang puno’t dulo

Lalakbayin saan man sa mundo

Sabayan mo lang ang ating kwento

Kahit lapatan mo pa ng ni anong tono


Kaya manong drayber bilisan mo na

Nang makarating sa paroroonan nila

At ‘wag na tayong pabagal-bagal

Tumindig na’t ipakita kakayahan ng bawat isa


Refrain and Chorus


>Isinulat ng mga piling mag-aaral ng St. Alphonsus Liguori Integrated School para sa pagdiriwang nito ng ika-25 na taon ng pagkakatatag noong 2015.

>>Special thanks to Ms.Marissa Cid Buñag

No comments: