Tips para magtagal ang iyong printer at di masira.
1st - Gawing by batch ang pagprint, like 50 pages at a time.
Parang kamay mo lang yan, ‘pagnasobrahan ng kasusulat magkakapaltos. Yung
printer naman, mag-overheat ang printer head.
2nd- Maglaan ng oras para makapagpahinga ang printer head. Minsan
parang relasyon lang yan, ‘pag masyado kang clingy or magkasama, madalas
nagkakasawaan agad. Kaya kailangan mo rin minsan dumistansya at magbigay ng
space. Tulad sa printer, ‘pag tuloy-tuloy ang paggamit mo, malaki ang tyansa na
iwan ka rin nya sa ere.
3rd – Huwag hayaang nakatengga ng matagal sa tabi
nang hindi ginagamit. Parang padlock lang yan sa gate na pag hindi nabubuksan
palagi kinakalawang. Pwede ring gripo nap ag di ginagamit kinakalawang sa loob.
Kaya kung sakaling hindi magamit ang printer, magprint ng kahit isang page lang
kada linggo para di mastuck-up J
No comments:
Post a Comment