Lagpas isang buwan na rin nang ipinatupad ang ECQ sa buong Luzon.
Pero na saan na nga ba tayo ngayon?
Ako, eto. Malayo. Malayo sa pamilya na sana ay kasama ko na ngayon.
Nanghihinayang, lalo na sa mga travel plans na sa ngayon ay hanggang panagip na lang muna.
Kinakabahan, natatakot. Dahil ayaw ko na isang araw, mabalitaan ko na lang na may positibo na sa isa sa mga kaibigan o mga kapamilya ko.
Nalulunkot. Dahil, namimiss ko na ang lolo at lola ko. Kahit nasa ibang barangay lang sila, tila ba ay milya-milya ang layo nila dahil sa dami ng checkpoint na humahadlang sa aming pagkikita.
Nananalangin na sana isang araw ay manumbalik na ang dating mayroon sa atin. Ang mga panahon na hindi tayo napipilitang magkulong sa ating mga tahanan. Ang mga panahon na maalaya tayong pumunta sa kung saan man natin nais magtungo. Ang panahon na pwede nating mahagkan ang mga mahal natin nang hindi nangangamba na baka mahawa tayo o mahawa natin sila ng virus na ito.
Namimiss ko na nga kumain ng chicken joy, uminom ng milktea, o kumain ng fishballs dyan sa kanto. Pero sa ngayon, wala eh, tiis –tiis lang muna. Konting sakripisyo para sa nakararami.
Alam mo, dito realize na kailangan nating pahalagahan ang mga bagay na mayoon tayo, pati na rin ang mga taong nariyan sa atin. Dahil, hindi natin hawak ang kapalaran, maari silang mawala ng hindi mo namamalayan, nang hindi ka handa. At oras na mawala na ang mga ito sa atin, doon pa lang tayo magsisi.
Ikaw, oo ikaw. Kumusta ka? Okay ka pa ba?
Sabi nila, normal lang sa panahon ang maging malungkot, ang kabado, ang natatakot. Pero lagi mong tandaan na mayroon tayong Diyos na hindi tayo pababayaan. Ang mga ito ay mga pagsubok lamang na kayang kaya nating lagpasan. Maniwala ka lang. Tiwala lang.
No comments:
Post a Comment