Isinulat ni Patrick Familara, 2021
Bundok ay aakyatin, mga ilog ay tatawirin
Madulas man
o tumambling
Pilit pa
ring mararating
Matulungan lamang
ang mga batang alanganin
Enero dos
mil bente nang balita ay pumutok
Sa di
kilalang sakit, sa bansa ay nakapasok
Tila ba naging
kumpante at naghintay na umusok
Umapoy at
nasunog ang lipunang lugmok
Nagsara ang
mga paaralan, simbahan at opisina
Sa
pangambang lumaganap pa ang dalang pinsala
Trabaho ay
nawala, kahirapan ay lumalala
Hanggang kailan
pa si Juan ay mag-aalala
Oktubre nang
muling magbukas ang taong panuruan
Kaakibat ng
mga bagong hamon sa ating lipunan
Edukasyon ay
nagpatuloy sa makabagong paraan
Mga Modyul
ang kaharap, pinipilit maunawaan
Makalipas
ang ilang buwan, unti-unti nang nararamdaman
Bilang ng
mga mag-aaral ay tila ba nababawasan
Kahirapan
at kalituhan sa pagsagot sa mga modyul ang dahilan
Hanggang
kailan pa magtitiis ang mga batang Juan?
Ang ating
paaralan ay hindi makapapayag
Gagawin ang
lahat upang lahat ay makausad
Mga mobile
teachers ay nagsimulang lumakad
Sinusuyod
ang mga bata, huwag lang malaglag
Tunay ngang
kahanga-hanga ang ating mga kaguruan
Handang
gawin ang lahat matuloy lamang ang pag-aaral
Edukasyong
pinadapa ng pandemya, ngayon ay lumalaban
Para sa magkaroon
ang mga bata ng handang isip at lipunan.
(Photos by Kenneth Gaguis,)
No comments:
Post a Comment