Tuesday, October 27, 2020

Biyaheng SALIS


Aarangkada na ang biyaheng ito

Sasakyan mo lang at ika’y matututo

Makapagsimula ng bagong pangarap

Na hinihintay ng lahat para sa hinaharap


Pagsikat na kasing liwanag ng langit

Basta’t tulong-tulong lahat makakamit

Mula sa maliliit na mga butil 

Ngayo’y puno ng hindi pasisiil


Refrain:

Kahit lakbayin ang puno’t dulo

Si manong drayber di na hihinto


Chorus:

Biyaheng SALIS inyo ng sakyan 

Dito magkakaroon magandang kinabukasan

‘Wag nang hintaying ito’y umalis

Parahin na sapagkat ito’y mabilis


Kung dati rati walang pumapansin

Ngayo’y kumikinang na parang bitwin

Bawat pagsubok ating harapin 

At ito ang Biyaheng SALIS

Sa bawat oras ng pagikot ng mundo

Dumaragdag ang mga numero uno

Mga pasahero na kay talentado

Kahit sino man walang makatatalo


Pangarap na kasing taas ng langit

Liwanag na kasing ningning ng bitwin

Jeep namin na malayo na ang nararating

Ang himig namin ay inyong dinggin

Refrain and Chorus


Rap:

Sabi nga nila ang puno’t dulo

Lalakbayin saan man sa mundo

Sabayan mo lang ang ating kwento

Kahit lapatan mo pa ng ni anong tono


Kaya manong drayber bilisan mo na

Nang makarating sa paroroonan nila

At ‘wag na tayong pabagal-bagal

Tumindig na’t ipakita kakayahan ng bawat isa


Refrain and Chorus


>Isinulat ng mga piling mag-aaral ng St. Alphonsus Liguori Integrated School para sa pagdiriwang nito ng ika-25 na taon ng pagkakatatag noong 2015.

>>Special thanks to Ms.Marissa Cid Buñag

Pintuan ng Pangarap

Papalapit na ako sa pintuan ng pinapangarap

Ang aking hinahangad na pintuan ng kinabukasan


Hindi ko alam ang aking gagawin

Hindi alam ang dapat kong tatahakin

Nauubusan ng lakas

Nauubusan din ako ng tapang


Ngunit dumating ang panahon ng aking pagsapit

Sa lugar na nagbibigay pagkakataon

Upang itama ang nakakubling mali

Na nagpapabigat upang di maka-ahon


Dahil sa ýong pagtulong, natuto akong bumangon


Pinalapit mo ‘ko sa pintuan ng pinapangarap

Ang aking hinahangad na pintuan ng kinabukasan

Ginabayan mo ako sa aking tatahakin

Maraming salamat sa kabutihan mong angkin


May gurong mahuhusay bihasa sa pagtuturo

Kaalamang tatatak, tiyak na matututo

Gawaing seryoso, diyan ako saludo

Paaralang may serbisyo layuning magkaroon ng ayos

Nagbibigay ng nararapat na edukasyon 

Upang matuwid na landas ang itutungo


Sa mga napagdaanan ng mahabang panahon

Patuloy na umaahon salamat saýo


Pinalapit mo ‘ko sa pintuan ng pinapangarap

Ang aking hinahangad na pintuan ng kinabukasan

Ginabayan mo ako sa aking tatahakin

Maraming salamat sa kabutihan mong angkin


Dahil saýo natutupad ko ang aking pangarap

Sa loob ko akoý panatag

(Kahirapaý mawawala)

Maraming salamat, Ikaý dakila


Patuloy na umaahon,

Dahil sa yong pagtulong

Natuto akong bumangon

Maraming salamat po 


Patuloy na umaahon,

Dahil sa yong pagtulong

Natuto akong bumangon

Maraming salamat po


>Isinulat ng piling mag-aaral mula sa Grade 9 – Molave batch 2015 ng St. Alphonsus Liguori Integrated School para sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng pagkakatatag.

Bituin ng SALIS

Mga bituin na mahirap abutin

Ano nga ba ang dapat gawin

Mga araw na kami’y binagyo

Araw araw ring nalilito


Ngunit ito ay kayang kaya

Sa tulong mo ito’y nakamit na

Na na na nanananana na

Na na na nanananana


[Chorus]

Salamat sa iyo

Problema’y lumayo

Nararamdaman na palapit ng palapit

Sa bituin na nais

Makamit


Tumulong sa mga nangangailangan

Ipadama ang pagmamahalan

Ipakitang may integridad

Kabutihan ang tanging hangad


Ngunit ito ay kayang kaya

Sa tulong mo ito’y nakamit na


Na na na nanananana na

Na na na nanananana


[Repeat Chorus]


Ika’y babalik balikan

Hindi malilimutan

Ika’y aking naging tahanan

Kaya hinding hindi pakakawalan


Ika’y nagsilbing hagdan

Patungo sa mga bituin

Na nais abutin

Sa wakas ay naabot na rin


[Repeat Chorus 2x] 


>>Ito ay isinulat ng mga mag-aaral ng St. Alphonsus Liguori Integrated School para sa pagdiriwang ng ika-25 na taon nagpagkakatatag noong 2015.

>>>Kung ikaw ay isa sa mga nagsulat nito, maaari mo akong i-message for proper acknowledgment. Sorry di ko na kasi maalala.


KWENTONG ECQ: TIWALA LANG


Lagpas isang buwan na rin nang ipinatupad ang ECQ sa buong Luzon.

Pero na saan na nga ba tayo ngayon? 

Ako, eto. Malayo. Malayo sa pamilya na sana ay kasama ko na ngayon.

Nanghihinayang, lalo na sa mga travel plans na sa ngayon ay hanggang panagip na lang muna.

Kinakabahan, natatakot. Dahil ayaw ko na isang araw, mabalitaan ko na lang na may positibo na sa isa sa mga kaibigan o mga kapamilya ko.

Nalulunkot. Dahil, namimiss ko na ang lolo at lola ko. Kahit nasa ibang barangay lang sila, tila ba ay milya-milya ang layo nila dahil sa dami ng checkpoint na humahadlang sa aming pagkikita.

Nananalangin na sana isang araw ay manumbalik na ang dating mayroon sa atin. Ang mga panahon na hindi tayo napipilitang magkulong sa ating mga tahanan. Ang mga panahon na maalaya tayong pumunta sa kung saan man natin nais magtungo. Ang panahon na pwede nating mahagkan ang mga mahal natin nang hindi nangangamba na baka mahawa tayo o mahawa natin sila ng virus na ito. 

Namimiss ko na nga kumain ng chicken joy, uminom ng milktea, o kumain ng fishballs dyan sa kanto. Pero sa ngayon, wala eh, tiis –tiis lang muna. Konting sakripisyo para sa nakararami.

Alam mo, dito realize na kailangan nating pahalagahan ang mga bagay na mayoon tayo, pati na rin ang mga taong nariyan sa atin. Dahil, hindi natin hawak ang kapalaran, maari silang mawala ng hindi mo namamalayan, nang hindi ka handa. At oras na mawala na ang mga ito sa atin, doon pa lang tayo magsisi. 

Ikaw, oo ikaw. Kumusta ka? Okay ka pa ba? 

Sabi nila, normal lang sa panahon ang maging malungkot, ang kabado, ang natatakot. Pero lagi mong tandaan na mayroon tayong Diyos na hindi tayo pababayaan. Ang mga ito ay mga pagsubok lamang na kayang kaya nating lagpasan. Maniwala ka lang. Tiwala lang.


TIPS PARA MAGTAGAL ANG PRINTER

 

Tips para magtagal ang iyong printer at di masira.

1st - Gawing by batch ang pagprint, like 50 pages at a time. Parang kamay mo lang yan, ‘pagnasobrahan ng kasusulat magkakapaltos. Yung printer naman, mag-overheat ang printer head.

2nd- Maglaan ng oras para makapagpahinga ang printer head. Minsan parang relasyon lang yan, ‘pag masyado kang clingy or magkasama, madalas nagkakasawaan agad. Kaya kailangan mo rin minsan dumistansya at magbigay ng space. Tulad sa printer, ‘pag tuloy-tuloy ang paggamit mo, malaki ang tyansa na iwan ka rin nya sa ere.

3rd – Huwag hayaang nakatengga ng matagal sa tabi nang hindi ginagamit. Parang padlock lang yan sa gate na pag hindi nabubuksan palagi kinakalawang. Pwede ring gripo nap ag di ginagamit kinakalawang sa loob. Kaya kung sakaling hindi magamit ang printer, magprint ng kahit isang page lang kada linggo para di mastuck-up J