Wednesday, March 15, 2017

Rediscover Romblon: A Hidden Paradise

Summer is coming people! Marami na sa atin ang naghahanda at nagpa-plano kung saan maaaring magtungo ngayong tag-init. Kabi-kabila na naman ang mga fiesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dinarayo, hindi lamang nating Pilipino, kundi pati na rin ang mga dayuhan.

Alam n’yo ba na may isang lalalawigan sa gitna ng archipelago na may mga tinatagong ganda?
Ito ang Romblon, isang arkipelagong lalawigan na makikita sa MIMAROPA Region o Region 4B. Ito ay may tatlong pangunahing kapuluan, ang Tablas, Romblon, at Sibuyan.

Tablas ang pinaka malaki sa mga pulo at dito rin makikita ang karamihan sa natatagong ganda ng probinsya. Ilan sa mga ito ay ang Binucot beach sa Ferrol,ang Tinagong Dagat, Lapos-lapos at Paksi Cove sa Calatrava, Marine Fish Sanctuary sa Looc, Mablaran Falls sa San Andres, Mainit Falls sa Odiongan, Blue Hole sa San Agustin at marami pang iba.

Hindi nalalayo sa Tablas, makikita ang bayan ng San Jose sa Carabao Island, kilala rin bilang Hambil ang mapuputing buhangin sa dalampasigan na maaaring  itapat sa kapitbahay nitong Boracay. Labintatlong minuto lamang ang layo nito mula sa Boracay at isa at kalahating oras naman mula Santa Fe, sa Tablas lulan ng mga motorized boat.

Sa isla naman ng Romblon, makikita ang naggagandahang mga dalampasigan tulad ng Bonbon, Cobrador at Tiamban at ang Fort San Andres na dating ginagamit ng mga kastilaupang protektahan ang isla sa mga pirata.

Sa bandang Hilaga ng isla ng Romblon ay matatagpuan ang isla ng Banton. Dito makikita ang Macat-ang, Tabunan and Tambak Beach at ang Banton's Guyangan Cave System, isa sa mahahalagang Cultural Treasure, kung saan makikita ang Banton Cloth.

Sa isla naman ng Sibuyan, makikita ang San Fernando. Dito makikita ang Cresta del Gallo, isa sa pinaka sikat at maganda na diving spot sa lalawigan.

May dalawang paraan para makapunta sa Romblon, maaaring sumakay sa Barko at Eroplano.
May dalawang shipping lines na bumabyahe papuntang dito, ang Montenegro Lines at ang 2Go Travel na nagmumula sa Batangas.

Bumabyahe naman papuntang Tablas ang Cebu Pacific apat ba beses sa isang linggo.
Ano pang hinihintay nyo? Tara na at ating tuklasin ang natatagong ganda ng lalawigan na tinaguriang “Marble Capital of the Philippines”!


Sunday, March 12, 2017

Hiling

 Salin-wika sa Filipino ni Yuehnd Familara

Matapos ang nakakapagod na araw
Sa aking pag-uwi,
Nakaramdam ako na kakaibang bagay
Nakakapagpabagabag,
Akoy lubos na nag-aalala,
Di maipaliwanag
Ayos lang kaya ako?

Sa mga araw na nagdaan
Tila ba ang bilis umusad ng oras,
Nakatulala lamang ako sa kalangitan
Tulad ng isang taong walang ano mang iniisip

Sinisisi ko at pinagtatawanan ang aking sarili
Dahil mas lalo akong nagiging miserable,
Lalo na kung di kita kapiling
Naaawa ako sa aking sarili

Tunay ngang gusto kita
Sa harap nitong ‘di mabilang na emosyon
Di ko magawang hilingin isang tulad mo kalian pa man
Ano ang kaya ang dapat kong gawin?

Di matapos ang aking pangungulila sa’yo
Kahit ipikit ang pa ang aking namamasang mga mata
Di ka pa rin mawala sa aking isip
Ganon din ba kaya ang nararamdaman mo para sa akin?

Ngayon ako'y nangangarap,humihiling
Na ang pag-ibig ko sa'yo ay maglaho na
Isang hiling na tila ba'y walang silbi,
Subalit patuloy pa rin akong humihiling

Mula sa orihinal na awitin ni Urban Zakapa na Wish, OST ng sikat na KDrama na Goblin (Guardian), 2016

haha wag n'yo na subukang kantahin.  

Himbing

ni Yuehnd Familara

Mga himig na nalikha mula sa pighati
Sabay ng mga luhang umagos sa mukha ng mga api
Salamin ng kahapong ‘di maitanggi
Dapat nang matigil ang gano’ng hapdi

Dugo, luha, pawis
Ang nadilig na sa lupa ng mga taong sawi
Sawi sa layang mamuhay ng nagsasarili
At malayo sa hapas ng latigong pagi

Nadapa, Bumangon, Tumindig
Ang paulit-ulit na gawain ng durog
Durog na pagkatao na pilit binubuo
Ng mga taong nabaon na sa alaala ng kahapon

Lumaban, Nagsumikap, Lumaya
Mga alipin ng kahapon, ngayo’y nag-aapoy
Nag-aapoy sa damdaming makalaya sa pagkakatali ng kanyang amo
Dugo, Bumganon, Lumaya, panaginip lang pala ang mga ito.