Sunday, March 12, 2017

Himbing

ni Yuehnd Familara

Mga himig na nalikha mula sa pighati
Sabay ng mga luhang umagos sa mukha ng mga api
Salamin ng kahapong ‘di maitanggi
Dapat nang matigil ang gano’ng hapdi

Dugo, luha, pawis
Ang nadilig na sa lupa ng mga taong sawi
Sawi sa layang mamuhay ng nagsasarili
At malayo sa hapas ng latigong pagi

Nadapa, Bumangon, Tumindig
Ang paulit-ulit na gawain ng durog
Durog na pagkatao na pilit binubuo
Ng mga taong nabaon na sa alaala ng kahapon

Lumaban, Nagsumikap, Lumaya
Mga alipin ng kahapon, ngayo’y nag-aapoy
Nag-aapoy sa damdaming makalaya sa pagkakatali ng kanyang amo
Dugo, Bumganon, Lumaya, panaginip lang pala ang mga ito.

No comments: