Summer is coming people! Marami na sa atin ang naghahanda at
nagpa-plano kung saan maaaring magtungo ngayong tag-init. Kabi-kabila na naman
ang mga fiesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dinarayo, hindi lamang nating
Pilipino, kundi pati na rin ang mga dayuhan.
Alam n’yo ba na may isang lalalawigan sa gitna ng archipelago
na may mga tinatagong ganda?
Ito ang Romblon, isang arkipelagong lalawigan na makikita sa
MIMAROPA Region o Region 4B. Ito ay may tatlong pangunahing kapuluan, ang
Tablas, Romblon, at Sibuyan.
Tablas ang pinaka malaki sa mga pulo at dito rin makikita
ang karamihan sa natatagong ganda ng probinsya. Ilan sa mga ito ay ang Binucot
beach sa Ferrol,ang Tinagong Dagat, Lapos-lapos at Paksi Cove sa Calatrava,
Marine Fish Sanctuary sa Looc, Mablaran Falls sa San Andres, Mainit Falls sa
Odiongan, Blue Hole sa San Agustin at marami pang iba.
Hindi nalalayo sa Tablas, makikita ang bayan ng San Jose sa
Carabao Island, kilala rin bilang Hambil ang mapuputing buhangin sa
dalampasigan na maaaring itapat sa
kapitbahay nitong Boracay. Labintatlong minuto lamang ang layo nito mula sa
Boracay at isa at kalahating oras naman mula Santa Fe, sa Tablas lulan ng mga
motorized boat.
Sa isla naman ng Romblon, makikita ang naggagandahang mga
dalampasigan tulad ng Bonbon, Cobrador at Tiamban at ang Fort San Andres na
dating ginagamit ng mga kastilaupang protektahan ang isla sa mga pirata.
Sa bandang Hilaga ng isla ng Romblon ay matatagpuan ang isla
ng Banton. Dito makikita ang Macat-ang, Tabunan and Tambak Beach at ang Banton's
Guyangan Cave System, isa sa mahahalagang Cultural
Treasure, kung saan makikita ang Banton
Cloth.
Sa isla naman ng Sibuyan, makikita ang San Fernando. Dito
makikita ang Cresta del Gallo, isa sa pinaka sikat at maganda na diving spot sa lalawigan.
May dalawang paraan para makapunta sa Romblon, maaaring
sumakay sa Barko at Eroplano.
May dalawang shipping lines na bumabyahe papuntang dito, ang
Montenegro Lines at ang 2Go Travel na nagmumula sa Batangas.
Bumabyahe naman papuntang Tablas ang Cebu Pacific apat ba
beses sa isang linggo.
Ano pang hinihintay nyo? Tara na at ating tuklasin ang
natatagong ganda ng lalawigan na tinaguriang “Marble Capital of the Philippines”!