isinulat ni Patrick Familara
Sino nga ba ang tunay na malaya
Sa mga paghihirap na tayo rin ang may likha
Sa mga pangaabuso na tayo rin ang may pakana
Sino nga ba ang tunay na may sala
Ako na walang ginawa kundi ang magreklamo
Ikaw na walang ibang ginawa kundi magpatalo
Tayo na walang pakialam kundi maging bato
Saan na nga ba patungo ang ating estado
Malayang Pilipino kung maturingan
Bakit tila ba bilanggo pa rin sa nakaraan
May pag-asa pa bang makalabas sa banging kinabagsakan
Kung tayo ay watak at walang pagtutulungan
Kabataang Pinoy ang ika nga'y pag-asa ng bayan
Sa aking nakikita tila ba’y isang palaisipan
Sa maling paghuhulma sila’y dumaan
Sa mga kataga ni Rizal, Paano ang puna

Tiwala sa sarili ang dapat hubugin
Pag-aaral ng mabuti ang dapat atupagin
Pagsisikap sa buhay ang ating gawin
Marahil ito ang kasangkapan nang ating mithiin ay makamtan
(updated and revised :Aug 28, 2012 12:36pm)
No comments:
Post a Comment