May mga bagay sa ating buhay na sadyang hindi natin binibigyan ng halaga. May mga bagay na tila ba kompante na tayo dahil ang akala natin ay lagi itong nariyan. Kung kaya dumarating tayo sa punto na tayo ay nakalilimot.
Hinga ng malalim. Sabay buga. Hinga. Hawakan hanggang makakaya.
Hindi ba ang pasensya natin ay parang hihinga tayo tapos iho-hold natin pero kung hindi na natin kaya ay wala tayong choice kung hindi ibubuga na natin.
Hindi ba ang pasensya natin ay parang lobo na pwede nating palobohin pero kung humigit na nito ang hangganan ay tiyak na ito ay puputok.
Hindi madali ang magpasensya. Lalo na, hindi madali ang umunawa. Umunawa ng mga taong hindi marunong makisama. Umunawa ng mga taong sarili lang nila ang kanilang iniisip. Tila ba na sa kanila lang umiikot ang mundong ating ginagalawan.
Mahirap, pero kakayanin. Mahirap, dahil nasasaktan na ang ating mga damdamin. Lalo na kung ang pasensya mo ay lagging sinusubok ng mga taong nakapaligid sa atin.
Isa, Dalawa, Tatlo, Apat…
Sige magbilang tayo ng paulit-ulit. Paulit-ulitin natin hanggang sa tao ay matauhan sa ating mga kalokohan. O kung ‘di naman kaya ay pukpukin na lang ang kahit anong bagay na nasa ating harapan nang sa gayon ay makaramdam naman tayo ng kahihiyan.
Pasenya. Isang salitang madaling sambitin pero mahirap gawin.
Gaano kadali magpasensya? SOBRANG DALI.
No comments:
Post a Comment