Showing posts with label electricity. Show all posts
Showing posts with label electricity. Show all posts

Friday, January 27, 2023

Brownout? Brownout.


Himbing ng tulog ay biglang naputol
Panaginip kong langit na aking hinahabol
Nawala, naglaho nang ako'y nangatol
Namatay ang electric, SHET, power interruption.

Lakas maka-avatar nitong aming kuryente.
Biglang nawawala tuwing ikaw ay kumportable.
Sa iyong pagtulog tiyak na mapupukaw.
Sa init na dala ng pagkawala nitong kuryente.

Pumutok, sumabog karaniwang dahilan.
Linyang naputol dinaig pa ang pagmamahalan.
Nanigas, nakuryente, inosenteng ibon.
Nako, talaga, nakakainis, ako'y bumangon.