Tuesday, February 12, 2019

PATAWAD

Patawad. Sadyang napakahirap sambitin.
Sadyang napakabigat hingin.
Lalo na sa taong ating nais iparating,
Ang salitang Patawad. Sana ay tanggapin.

Patawad, Dahil ako ay mahina.
Dahil ako ay sadyang nadala,
Dahil ako ay nagsamantala,
Sa pangyayaring mahirap nang kalimutan pa.

Patawad. Dahil hindi ko alam kung paano,
Hindi ko alam kung bakit.
Pero isa lang ang aking sigurado
Ako ay lubhang nakasakit.

Patawad, sa nasirang samahan,
Sa mga tiwalang tila ba’y natabunan na.
Sa pagtinging tila ba ay napalitan na,
Ng isang masidhing pagngangalit ng kalooban.

Patawad. Dahil ako ay nagkamali.
Nakagawa ng isang bagay na di na maitatama pa.
Mga bagay na mahirap talagang kalimutan na.
Patawad, sa aking nagawa.

Sana dumating ang panahon napinakahihintay
Ang makamit ang kapatawarang tunay
Mula sa taong nagawan ng pagkakasala
Sana nga ay makamit na.


No comments: