Isinulat ni Patrick M. Familara
Sabayang BigkasPitong libo at anim na raan apat na pu’t lima
Mga naggagandahang mga kapuluang mula sa timog-silangan
Mga kapuluang dugo, pighati at luha ang dinanas
Mula sa kamay ng mga mapaniil na mga dayuhan.
Dula:
Makisig: Inay! Inay! Inay!
O aking inay, ikaw ay nasaang tunay?
Malakas: Makisig, tama na ang iyong pagtangis, ang ating ina ay di na muling magbabalik. Hindi na.
Dahil siya ay pinatay na ng mga dayong pilit na umaangkin ng ating mga lupain.
Sabayang Bigkas:
Mga mamamaya sa mga nayon ay pilit pinalamon
Ng mga pagkaing, halo naman ay lason
Upang makuha lamang ang inaasam na yaman,
Mula sa mga taong turing nila ay unggoy.
Dula:
Malakas: Makisig, aking kapatid. Huwag kang mag-alala dahil tayo ay gaganti. Upang ating makamit, ang kalayaang sa atin ay ipinagkait.
Makisig: Kuya, tama ang iyong mga tinuran. Hindi na tayo dapat pang magpaalipin. Tama na ang mahabang panahong tayo ay nakapiit. Nakapiit sa nakarurumarim na kabanata ng ating kasaysayan.
Malakas: Ito na ang tamang panahon.
Sabayang bigkas:
Mula sa Hilaga pababa ng Timog
Ang bayang api na tunay ngang iniirog.
Nagsama-sama sa iisang layong
Makamit ang layang yumaon.
Awit: (Tao – Sampaguita)
Tulad ng isang ibon
Tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais
Na marating at matupad.
Dario: Makisig! Malakas! Dalina tayo ay maghahanda na!
Dalhin nyo iyang mga balisong at iba pang mga sandata!
Tayo ay magtutungo na sa bayan ng Cavite el Viejo upang kitain natin ang ating mga makakasa sa napipintong pag-aalsa.
Awit: (Magkaisa – Virna Lisa) Pantomime:
Scene 1: Naghahanda sa pakikipaglaban
Scene 2: Paglusob sa base ng mga kalaban
Scene 3: Mapapatay si Makisig ng sundalong kastila
Scene 4: Makikita ni Malakas ang kanyang Kapatid sa lapag. Maghihinagpis.
Scene 5: Itutuloy malakas ang paglaban.
Scene 6. Mananalo sa labanan.
Sabayang Bigkas:
Ito na. Ito na ang simula ng bagong kinabukasan.
Ang bagong buhay na ilalaan sa ating mga kabataan
Malayo sa kahirapan, malayo sa kagutuman
Hindi na sana muling danasin pa.
| wakas |
No comments:
Post a Comment