Saturday, February 16, 2013

Higanti



Isinulat ni B.P. Familara (2013)

Isang malakas na hangin ang nagsimulang umihip
Kalangitay nagdilim na pawang nagngangalit
Mga nanggugulat na kulog ang umalingawngaw sa paligid
Na nagbabadya ng isang paparating na panganib

At nagsimulang bumuhos ang mabigat na ulan
Mula sa tila ba’y galit na galit na kalangitan
Tubig sa kalupaa’y mabilis na tumaas
Na pawang nagnanais lunurin ang sanlibutan

Nagsisigawang mga tao ang maririnig sa paligid
Na nagmamakaawang mailayo sa panganib
Mala-karagadang paligid ang simulang mamutawi
Habang ang karamiha’y abala sa pagligtas ng sarili

Paghupa ng ulan ay isang masalimuot na tanawin
Na tila ba’y sinakluban ng langit at lupa ang buong paligid
Nagtumbang mga puno ang nakaharang sa kalsada
Makapal na putik naman ang naiwan sa mga tahanan

Hindi natin masasabi kung kalian at paano
Ang dapat lang natin gawin ay maghanda at manigurado
Na ating buhay ay mailayo sa piligro
Lalo na sa oras ng mapaghiganting dilubyo





No comments: