Showing posts with label Tips sa paglalaro. Show all posts
Showing posts with label Tips sa paglalaro. Show all posts

Wednesday, September 9, 2015

TIPS SA PAGLALARO NG BASKETBALL


 1. Bago ka maglaro ng basketball, kelngan ihanda ang sarili, mag-stretching mula ulo hanggangb paa, kasi kailangan isip muna bago puso, dapat isipin mo sa papaaukin mo e handa kang masaktan ano man ang kalabasan.

 2. Siguraduhing may bola na gagamitin sa paglalaro nito, kasi kung wala magjogging ka na lang. Mahirap kasi umaasa, lalo na't handang handa ka na, tapos wala naman pala.

 3. Sa paglalaro nito, kelangan alam mo ang ibat ibang skills nito, kasi kung di mo alam magmumukha kangbtanga sa harapan nila. Nageeffort ka nga pero ayun mukha ka lang tanga sa harap nya.

 4. Habang naglalaro, pilitin mo na maagaw ang bola, dahil ang tunay na pagibig hindi hinihintay, inaagaw yan. Paghirapan mo, kahit madaming nakapalibot sa kanya, wag mo syang bitawan. Ipaglaban mo sya. Wag na wag mong papaagaw pag nasa sayo na.

 5. Pinakahuili sa lahat, tanggapin kung talo ka, piliting lampasan ang sakit kung hindi ikaw pinili nya. At wag ng makipagaway sa napili nya. Ganyan talo, minaan panalo minsan talo, pereo pinakamaaakit sa lahat, nasa harap mo na pinakawalan mo pa.

‪#‎JacyBanatero‬