Saturday, January 30, 2021

Mobile Teachers of New Normal Education

Isinulat ni Patrick Familara, 2021


Bundok ay aakyatin, mga ilog ay tatawirin

Madulas man o tumambling

Pilit pa ring mararating

Matulungan lamang ang mga batang alanganin

 

Enero dos mil bente nang balita ay pumutok

Sa di kilalang sakit, sa bansa ay nakapasok

Tila ba naging kumpante at naghintay na umusok

Umapoy at nasunog ang lipunang lugmok

 

Nagsara ang mga paaralan, simbahan at opisina

Sa pangambang lumaganap pa ang dalang pinsala

Trabaho ay nawala, kahirapan ay lumalala

Hanggang kailan pa si Juan ay mag-aalala

 

Oktubre nang muling magbukas ang taong panuruan

Kaakibat ng mga bagong hamon sa ating lipunan

Edukasyon ay nagpatuloy sa makabagong paraan

Mga Modyul ang kaharap, pinipilit maunawaan

 

Makalipas ang ilang buwan, unti-unti nang nararamdaman

Bilang ng mga mag-aaral ay tila ba nababawasan

Kahirapan at kalituhan sa pagsagot sa mga modyul ang dahilan

Hanggang kailan pa magtitiis ang mga batang Juan?

 

Ang ating paaralan ay hindi makapapayag

Gagawin ang lahat upang lahat ay makausad

Mga mobile teachers ay nagsimulang lumakad

Sinusuyod ang mga bata, huwag lang malaglag

Tunay ngang kahanga-hanga ang ating mga kaguruan

Handang gawin ang lahat matuloy lamang ang pag-aaral

Edukasyong pinadapa ng pandemya, ngayon ay lumalaban

Para sa magkaroon ang mga bata ng handang isip at lipunan.

 

(Photos by Kenneth Gaguis,)